Siya si Maria Batumbakal.May asawa,tatlong anak na lalaki at bunsong anak na babae.Tinagurian siyang Reyna ng mga Tsismosa sa kanilang lugar na isang sqatters area sa barangay Lingas,Tondo Maynila.Sabi ng ilang kritiko sa kanialang lugar,wala namang masama sa pagiging tsismosa dahil ang tsismis ay hilig ng mga Pilipino bilang pagpapalipas oras.Sabi nila ang masama sa tsismis ay nakakasira ito ng reputasyon o pagkatao ng iba at nagiging dahilan upang magaway-away ang magkakapibahay dahil dito.Pati mag-aasawa ay nagkakahiwalay dahil sa intriga,mga balitang gawa-gawa lamang ng makakating dila at hindi hindi totoo o tsismis.
Kaya tinaguriang Reyna ng mga Tsismosa itong si Maria sa kanilang lugar dahil lagi itong nangunguna sa balita na ang iba ay narinig lamang niya sa mga nag-uusap na kapitbahay na hindi sinasadyang nadaanan niya o mga taong nag-uusap na dumaan sa kanilang bakuran at ang iba ay naulinigan lamang niya sa mga nag-uusap sa loob ng bahay ng kanyang mga kapitbahay.Kaya madalas mali ang kanyang kwento sapagkat kung minsan ay mali ang kanyang pagkakadinig o pagkakaintindi.Madalas siyang mapa-away sa mga kwento niya dahil sinusugod siya sa kanyang bahay para komprontahin sa kanyang maling kwento.Kung minsan ay gumagawa pa siya ng sariling kwento tungkol sa kanyang kapitbahay na kina-iingitan niya para siraan.Sa mga hindi pa siya kilala ng lubusan ay paniwalang-paniwala sapagkat kung magkwento siya ay seryosong-seryoso at may aksyon pa na aakalain ng kakwentuhan ay totoong-totoo talaga.
Alam na alam ni Maria ang tungkol sa buhay ng kanyang mga kapitbahay sa kanyang lugar sa Purok Uno barangay Lingas , UrbizTondo,Maynila ng humigit kumulang isandaang pamilya.Itanong mo sa kanya kung sino ang may ulam na tuyo,sino ang may kabit,sino ang dalagang nabuntis ng kanyang boypren na hindi pa alam ng mga magulang,sino ang may ilegal na hanapbuhay at kung anu-ano pa.Lahat yan ay kaya niyang sagutin.Ganito umiikot ang buhay ni Maria araw-araw.Aalamin na parang imbestigador ang buhay ng kanyang mga kapitbahay.Hindi siya interesado sa mga magagandang nangyayari sa buhay ng kanyang kapwa tulad ng pag-unlad ng buhay ng iba.Mas interesado siyang malaman ang mga negatibong nangyayari sa kanyang kapwa tulad ng pagkakapatay dahil nanlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis,pagkakalugi sa negosyo ,pagkamatay dahil sa atake sa puso o altapresyon,naghiwalay na mag-asawa dahil nangaliwa si Mister at kung anu-ano pa.Tuwang-tuwa siya sa mga kwentong ganito.Yung mga magagandang nangyari sa buhay ng kanyang kapwa tulad ng pagkakapasa sa Bar exams o kung anong pagsusulit ng Philippine Regulation Commision,umunlad ang buhay dahil sa pagsisikap ay hindi siya natutuwang ikwento ang mga ito.Yung kinaiinisan niya o kina-iingitan ay hahanapan ng negatibong bagay at iyon ang iku-kwento niya at hindi ang larangan ng tagumpay na nakamit ng kanyang kapwa.Kaaway na niya kung ituring ang mga taong umunlad ang buhay dahil sa pagsisikap o dinapuan ng swerte kahit yung iba ay mga kaibigan pa niya.Hindi naman nagbago sa kanya ang kanyang mga kaibigan kahit umasenso na ito sa buhay,kundi siya lang ang nagbago.
Ang bahay nila ngayon na kanilang tinitirhan ay mismong kuarto niya noong dalaga pa siya.Lima silang magkakapatid na nakatira sa mismong bahay ng kanilang mga magulang na pinaghati-hati sa pamamagitan ng dibisyon at dingding lang ang pagitan na parang apartment style.Lahat may kanya-kanya ng pamilya.Dalawa lamang sa kanilang pitong magkakapatid ang nakabukod ang bahay.Yung isang kapatid ni Maria na si Lorna ay nasa ibang bansa nagta-trabaho bilang katulong o yung kilala sa tawag na domestic helper.Iniwan nito ang dating live-in partner na si Tomas na isang magangalakal lamang at sumama sa lalaking may asawa na rin na nakilala niya sa ibang bansa .Ang isa pa niyang kapatid na si Fernan ay nakatira sa biyenan nito na malapit din naman sa kanila.Pagpasok mo sa bahay nila ay may telebisyon sa harapan walang upuan .Sa sahig umuupo at naglalatag ng banig kapag matutulog na .Dito rin sila kumakain na mag-anak.Wala silang kubeta at palikuran.Nakikigamit sila sa kanyang nanay ng dating kubeta at palikuran ng dati nilang bahay na ang nanay na lang niya ang nakatira rito dahil namatay sa sakit na diyabetis ang kanyang ama sampung taon na ang nakakalipas.
Mahirap lamang ang buhay ng pamilya ni Maria pero hindi siya nagpapahalata.Hindi sila nagsusuot ng mga damit na lumang-luma at kupas na o punit-punit.Pinagkakasya niya ang P290 minimum wage per day o sahod kada araw ng kanyang asawa sa apat nilang anak na nagsisipag-aral.Kapag may nagtanong kung anong trabaho ng kanyang asawa ay sasabihin niyang: "ah.. sa bangko nagta-trabaho ang asawa ko.." ang pagmamalaki niyang sagot na nakangiti at lalakasan pa lalo para marinig ng iba sa paligid.Iisipin ng nagtanong bigatin ang asawa niya dahil sa bangko pala ito nagta-trabaho.Malamang isa itong accountant,auditor,teller o baka naman bank manager.Kapag may nag-follow-up question kung ano ang trabaho sa bangko ng asawa niya ay bigla siyang magpapa-alam sa kausap o kaya naman ay iibahin niya ang tema o topic ng usapan.Ayaw kasi niyang sumagot na ang trabaho ng asawa niya sa Golden Bank Of Asia Tondo Manila Branch ay messenger/janitor.Iilan lamang sa kanilang lugar ang nakaka-alam sa tunay na trabaho ng asawa niyang si Manuel dahil bihira sa mga ito ang nagde-deposito ng pera sa bangko sapagkat karamihansa mga ito ay mahirap lang ang buhay kaya nga sila nakatira sa squatters area.Kagalang-galang ang dating ni Manuel pag-umaalis ng bahay papunta sa trabaho .Naka-three/fouths na long-sleeves at naka-slocks na pantalon ang porma nito katulad ng mga nagta-trabaho talaga sa bangko.Pagdating niya sa trabaho ay magbibihis na siya ng lumang T-shirt at pantalon.Naka-tsinelas na lamang o kaya'naka tennis o rubber shoes na lang siya.Kapag inutusan siya ng kanyang boss sa labas ng kanilang opisina at may nakasalubong siyang kakilala na ganoon ang suot niya,magdadahilan siyang mainit sa labas kaya nagpalit muna siya ng damit.Bago siya umuwi ng bahay ,magpapalit uli siya ng damit na gamit niya pagpasok sa trabaho na kagalang-galang ang dating.Hindi akalain ng karamihan sa kanilang lugar ang tunay niyang trabaho sa bangko.Mabait si Manuel,magaling makisama,mahilig makisalumha sa umpukan ng magkakapitnahay,madalas siyang yayain sa inuman at minsan sagot din niya ang pulutan.Maputi at tsinito.
Isang araw ng sabado alas nueve ng umaga, nagmamadaling dumaan sa tapat ng kanilang bahay ang dalawa niyang kapitbahay na sina Minerva at kumareng Editha niya.Tinawag niya ang mga ito at tinanong kung saan ang punta at tila nagmamadali pa.
" aba mare, meron daw livelihood seminar sa barangay hall.Mga Nanay ng tahanan at mga walang trabaho ang inimbita.Tuturuan daw gumawa ng longanisa at tosino.Tara, sama ka sa amin , um-attend tayo .." sagot ni Editha na kita sa mukha ang tuwa.
" naku ! mare,'wag ninyo akong idamay sa ka-cheap-an ninyong dalawa diyan.." pagmamalaking sagot ni Maria tuloy-tuloy sa paglilinis ng kanyang bakuran habang nakikipag-usap.
"bakit naman,mare, buti nga yan at may dagdag kita tayo.Makakatuylong na yan sa pangaraw-araw na gastusin " sabi ni Editha na tumalsik pa ng konti ang laway nito sa biglang pagbukas ng kanyang bibig dahil medyo may pagka-bungal ito.
napaharap at napatayo mula sa pagkakayuko habang nagwawalis itong si Maria at sinabing:
"hoy !, kayong dalawa,(sabay turo sa mukha ng dalawang kausap) ibahin ninyo ako.Ano na lang sasabihin ng ibang tao kapag sumali ako diyan ? para sa mga indigent lang yan , yung mga wala nang makain sa araw-araw dahil sobrang kapos sa pera.. iyong mga tinatawag na hampas lupa.."
" sobra ka naman makalait ng tao mare,tinutulungan ka na nga namin para at least walang masabi sa iyo ang asawa mo at kahit nasa bahay ka lang, may kinikita ka kahit konti malaking tulong na rin yun.." ang medyo may hinanakit na sabi ni Editha
" totoo naman ah, para lang yan sa mga kapuspalad at patay gutom na mga tao.Hindi naman kami ganoon ah,kaya nakakahiya ! alam naman ng lahat na sa bangko nagta-trabaho ang asawa ko tapos sasali-sali ako diyan .." ang pagmamalaking sabi ni Maria
kung anu-ano pa ang napag-usapan nilang tatlo hanggang mabanggit ni Maria na may plano siyang magnegosyo imbes na sumali sa livelihood seminar.
Kailangan lamang daw niya umano ang humigit kumulang na isandaan at limampung libong pisong puhunan .(P150,000)
"Anong negosyo naman ang papasukin mo,mare? basta sali kami diyan ha?,.."sabi ni Editha na tuwang-tuwa sa narinig kay Maria tungkol sa negosyo
"anong trabaho naman kaya ang ibibigay ko sainyo? ni hindi nga kayo nakatuntong ng kolehiyo..hayaan nyo na ako kahit parehas lang tayo ,pero sa bangko naman nagta-trabaho ang asawa ko di ba? magaling iyon at maraming alam sa negosyo.." ang pagmamalaking sabi ni Maria na kumukumpas pa ang kamay habang nagsasalita
" naiinis na ako sa iyo ,mare, kanina na mo pa kami ini-ismol..pero bago kami umalis sabihin mo muna kung anong negosyo itatatayo mo.." ang pamimilit ni Editha na nakikinig lang kanina pa ang kasama niyang si Minerva
"sa ngayon wala pa, pero pagdating ng one hundred fifty thousand pesos na ni-loan ng asawa ko saka ko na iisipin.." ang nakangiting sabi ni Maria na nakatingala sa langit habang binabanggit ang halaga ng pera..
" sus, dapat iniisip mo na yan ngayon, para handa ka na nga kung sakali man dumating.."sabi ni Editha
" oo nga,," sang ayon naman ni Minerva sa sinabi ni Editha
para hindi mapahiya sa dalawang kausap, sinabi na lang ni Maria na sa totoo lang may plano na siya pero ayaw lang muna niyang sabihin kahit kanino.Subalit pag dumating umano ang pera babawasan niya ng kaunti.
"babawasan ba kamo mare,?ah. siguro babawasan mo dahil ibigay mo sa amin hi hi hi,"ang pabirong sabi ni Editha
natawa rin si Maria at ipinaliwanag niya kung bakit babawasan " ibibili ko ng bagong predyidir na mas maganda at mas mahal pa sa bagong predyidir ni Cora,kala niya siguro siya lang ang kayang bumili ng ganoon.." at sabay tawa na may pakendeng-kendeng pa.Kapitbahay niya si Cora na dalang bahay lang ang pagitan mula sa kanila.
" aba, mare, wala naman siyang sinasabing ganoon sa atin.." ang seryosong sabi ni Editha
" sus, wala namang pakialam sa iyo ang mga tao, lagi mong ikinukumpara ang sarili mo sa iba.." ang may pagkainis na sabi ni Editha
Ang hindi alam ng dalawa na ang lahat ng sinabi ni Maria ay hindi naman totoo kundi pangarap lamangniya ito na makapagpundar ng sariling negosyo.Alam niyang wala namang magpapautang sa kanila ng isangdaan at limampung libong piso (P 150,000) na mga kumpanyang nagpapautang sapagkat wala naman silang negosyo.Marami ang nagpapautang sa mga mayroon na talagang negosyo at wala rin silang lupa at bahay o Real Property na puedeng isanla o gamiting pang-kolateral sa uutangin o loans.Kahit saang bangko o kahit sa kanilang opisina bilang personal loan sapagkat minumu wage earner o minimum lang ang sahod ng kanyang asawa.Hindi rin sila makakautang kahit sa social security system o sss, sapagkat hindi pa umaabot sa pitungputdalawang buwan (72months) ang contribution ng kanyang asawa.Kwalipikado mangutang sa SSS ang mga naka 72 buwang kontribusyon o higit pa.
Tatlong araw makalipas ang pag-uusap nilang iyon ay may naka-away na traysikel drayber itong si Maria.Dangan daw kasi kulang ng piso ang sukli nito sa kanya.Galing sa paaralan si Maria at sinundo ang kanyang bunsong anak.Naumumula na ang pisngi ng traysikel drayber sa sobrang hiya at sa masasakit na salitang sinasabi sa kanya nitong si Maria dahil sa pisong kulang na isinukli niya dito.
" ikaw na tarantadong drayber ka,pipili ka ng lolokohin mo .." ang sabi ni Maria na dinuduro-duro pa ang pobreng drayber ng traysikel .
" pagmasdan mo ang mukhang ito ..( na itinuro pa ang kanyang pisngi na makinis dahil sa pulbos na na inilagay dito at ang mahabang buhok ay nabibigkis na tinatawag sa ingles na naka " ponytail" ) mukha ba akong tatanga-tanga?.. ha? ha? " yung nakaturong daliri ni Maria sa drayber ay ikinakalabit sa pisngi nito kasabay ng kanyang tanong.
nag-uumpisa ng lumakas ang boses ni Maria at kita ang gigil sa mukha at unti-unti na ring dumadami ang nag-uusyoso.
" sori na po madam ,talagang hindi ko po talaga sinasadya " ang pagsusumamo ng traysikel drayber sa kanya.Hindi rin makaalis-alis ito dahil nakasalampak ang isang paa ni Maria sa tuntungan ng traysikel kapag bababa o sasakay ang isang pasahero.
" hoy ikaw, kilala mo ba ako? pati ako idinadamay mo sa mga gung gong na biktima mo..Kung hindi mo alam,,sasabihin ko sa'yong hindi kami tatanga-tanga tulad ng iniisip mo dahil ang asawa ko sa bangko nagta-trabaho.." sabi ni Maria na linakasan pa lalo ang boses.
tiyempo namang napadaan na hindi sinasadya si kagawad Rogelio Alzaga at inusisa kung anong nangyari.Nalaman nito na dahil sa pisong kulang na sukli ang dahilan ng kanilang pag-aaway at inayos silang dalawa.Humingi ng dispensa ang drayber sa hindi niya sinasadyang makulangan ng piso ang naisukli niya kay Maria.Pina-alis na siya ni Kgd.Alzaga at pati si Maria ay pinapa-uwi na rin.
nang maka-alis ang traysikel drayber si Maria naman ang pinakiusapan ni Kgd. Alzaga na umuwi na
"maraming salamat po kagawad..kilala niyo po ba ako? ako po si Maria, tiga Purok Uno asawa ni Manuel yung nagta-trabaho po sa Golden Bank of Asia.." sabi ni Maria at sabay abot ng kanang palad para kamayan si Kgd.Alzaga.
tumango lamang ang nasabing Kagawad ng Barangay na pangiti-ngiti at ang sabi nito kay Maria.. " alam mo Ineng, ang mga simpleng bagay hindi dapat binibigyan ng masyadong atensiyon.Sobrang gigil mo na kanina at galit na galit pa..nang dahil lamang sa isang piso..? buti na lamang ay hindi ka inatake sa puso o di naman kaya'y altapresyon, dahil kung nagka-ganon hindi lamang piso kundi maraming pisong mawawala sa'iyo na ibabayad sa ospital.."
unti-unti na ring nagsisi-alisan ang mga taong dumating kanina para mag-usyoso.
"hay naku! kagawad, tingin ko sinasadya ng mamang iyon na pakulangan ko ng piso.Biruin mo sampung piso ang ibinigay ko suklian ba naman ako ng piso, eh alam naman niyang otso pesos lang naman ang minimum na pamasahe.ilan dapat ang sukli? dapat dalawang piso.Sa tingin ko ugali na talaga ng drayber na iyon ang pagpapakulang ng piso sa sukli.."
ang mga taong nag-uusyoso kanina ay karamihan nag-uusap habang papalayo at ang iba sa kanila naririnig pa ni Maria ang pag-uusap.Pinagtatawana siya ng mga ito..
hindi pa siya nakuntento na parang wala pa siyang plnong umuwi at si Kgd. pa ang gustong kausap.
"hay naku! kagawad,kung hindi mo puputulin ang sungas ng mga balasubas na traysikel drayber na iyon? sa isang libong pasahero niya na kinulangan ng piso ang sukli di ba po isang libong piso na? kaya dapat hindi tayo padadaig sa panlalamang sa atin ng ibang kapwa.."
" Oo na ineng.. nandiyan na ako..pero sa tingin ko hindi naman talaga sinasadya ng drayber kanina.."sabi ni kagawad na hinawakan pa bahagya si Maria sa likod na itinutulak ng banayad para umuwi na.. at tumalikod na nga si Maria at tumuloy na sa kanyang paglalakad papunta sa kanilang bahay na may humigit kumulang sampung metro mula sa kalsada kasama ang kanyang anak na sinundo sa paaralan.
Habang naglalakad si Maria ay bubulong-bulong pa rin tungkol sa traysikel drayber na nanloko daw sa kanya.Hanggang pagdating sa bahay nila yun pa rin ang kuwento niya sa asawa, sa mga kapatid at mga kapitbahay.Tuwang-tuwa siya dahil bidang-bida siya.Nakita niyang maraming nakikinig sa kanya.Karamihan sa nakinig ng kwento niya ay pinagtatawanan siya samantalang yung ibang kapwa niya tsismosa sobrang isang linggong pinagkwentuhan .Ang mga kwento nila ay dumako kung bata pa daw yung drayber, kung may asawa na, kung gwapo daw ba o baka daw miyembro ng kung anong sindikato ng mga manloloko at posible daw itong miyembro ng budol-budol gang.Makalipas ang isang linggo, iba na ang kwento ni Maria Sabi ni Maria muntik na daw siya mabiktima ng budol-budol pero pag may nagtanong kung ilan ang nakulimbat sa kanya sabi niya isang piso, Pero kung hindi daw siya matalino at kung aanga-anga din siya ay maaring maraming pera daw ang nawala sa kanya.Kung papakinggan ang kwento niya, iyon pa ring traysikel drayber na kulang ng piso ang sukli sa kanya ,kaya lang mas pinalala pa niya ang kwento muntik na daw siya mabudol-budol.
Araw ng martes ang araw ng palengke sa kanilang bayan kaya madaling araw pa lang umalis na si Maria para mamili ng mga pangangailangan nila sa pang-araw-araw.Pag araw ng palengke kasi mas mura ang mga bilihin at mas presko ang mga gulay,isda at karne.Sa araw na ito kasi dinadala ng mga magsasaka ang kanilang mga produktong gulay at iba pa.Ala dyes ng umaga nang makauwi si Maria galing sa palengke at tuwang-tuwa.pakanta-kanta pa pagpasok sa kanilang bahay.Maya-maya ay lumabas siya para bumili ng mantika sa katabing tindahan.Pagdating sa tindahan nandoon sina Mareng Editha niya at kasama nitong si Minerva at mayroon pang iba na nag-uumpukan at kanya kanyang tema.
" Mang kulas, pabili nga po ng sampung pisong mantika.." sabi ni Maria na napaka-aliwalas ng mukha at tila ang saya-saya.Pagka-abot ng mantika at akmang tatalikod na si Maria ay napansin siya ni Editha na halos magkadikit lamang ang kanilang braso habang nakaharap sa tindahan..
" Aba..e, parang kakaiba ang saya sa mukha mo ngayon Maria, ah.. samantalang no'ng nakaraang araw halos parang gusto mong pumatay ng tao ah, anong bang atin?" bungad agad sa kanya ni Editha
" paanong di ka sasaya ?..kung yung dalawang daan mo diyan ay maging isang libong piso ..hindi ka ba matutuwa doon .ha ! ha! ha !? sabi ni Maria na may kasama pang halakhak itutuloy

" ah, basta ! sasabayan ko pa yan ng bagong telebisyon na mas maganda at mas malaki pa kaysa sa telebisyon nina Pareng Andoy..at siyempre bibili rin kami ng motor para hindi na kami mahihirapan sa paghatid at pagsundo ng mga bata..kala siguro ng iba diyan sila lana kayang bumili ng motor." patuloy ni Maria na pasayaw-sayaw ang kamay na parang nagmo-model na Miss Universe
" sus, wala namang pakialam sa iyo ang mga tao, lagi mong ikinukumpara ang sarili mo sa iba.." ang may pagkainis na sabi ni Editha
" o, e, ano na ngayon ang gagamitin mong kapital sa negosyo mo, mare? e ibibili mo lang pala ng kung anu-ano.." usisa ni Minerva
" ha! ha! ha!, para yun lang..konting bagay lang naman iyon..siyempre marami pa ang natitira,iyon ang pang-negosyo ko.Ano naman sasabihin ng ibang tao kung hindi ako nakakabili ng mga bagong kagamitan,naturingan pa namang sa bangko nagta-trabaho ang asawa ko..yung iba nga diyan,kung anu-ano lang ang hanapbuhay nakakabili ng mga ganyan.. ako pa kaya? " ang pagmamalaking sabi ni Maria
Sa sobrang hambog ni Maria,nainis ang mga kausap nitong sina Editha at Minerva kaya nagmadaling umalis ang dalawa para dumalo sa livelihood seminar na gaganapin sa barangay hall.Dito tuturuan silang gumawa ng Homemade longanisa,tosino at corned beef.